Mikael, ‘di makalimutan ang ride sa orig bus ng Running...
Very proud ang GMA Network, ngayong ilang days na lamang ay world premiere na nila ng Running Man Philipppines, this coming Saturday night, Sept. 3, 7:15 p.m.
In fact, full trailer pa lamang ng Running Man Philippines ay nalampasan na ang over one million views on Facebook and even generated over 1,000 comments na ibig sabihin na Pinoy Runners and Kapuso viewers are eager to see its world-class first episode.
During their media conference last Saturday, Aug. 27, si Mikael Daez aka The Captain ay nagkuwento ng unforgettable experiences nila sa shooting in South Korea.
“Na-excite ako nang we rode a special bus, at nalaman kong ito pala ang ginamit sa first few seasons of the original Running Man. Kung ano iyong ginamit nila ng first few seasons, ‘yun din ‘yung bus na ginamit namin. Kaya ‘yung mga chikahan namin, doon na namin ginawa, ‘yung mga missions, doon namin iyong pinag-usapan. Kaya ang masasabi ko, iyong mga moments namin doon sa bus, sobrang memorable sa amin iyon, na tiyak na babalik-balikan namin.”
Ang bumubuo ng Running Man Philippines ay sina Mikael, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales, sa direksyon ni Rico Gutierrez at napapanood every Saturdays and Sundays, sa GMA 7.
Ysabel at Miguel, nanalo ng P1.9 M
Maraming natuwa at nag-congratulate sa new Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega after nilang mag-take home ng P1.9 M as the first celebrity contestants sa first episode ng The Wall Philippines! last Sunday afternoon, Aug. 28, sa GMA Network.
On Instagram, the game show host, Billy Crawford, announced that Ysabel and Miguel won over almost P2 million from its initial episode.
In a separate post, Ysabel posted a photo of her with Miguel holding a paper with the amount that they would be taking home individually, which is P997,521.
Para kay Miguel, angel daw niya ang ka-love team sa new drama series na What We Could Be na nagsimula na ring mapanood ang world premiere nito last Monday, Aug. 29, sa GMA Telebabad.
“Kasi po, team kami, ako ang nagbababa ng mga balls, pero si Ysabel ay nasa backstage at siya ang sumasagot ng mga questions ni Kuya Billy,” kuwento ni Miguel. “Maling sagot niya ay bawas sa mga scores namin. Salamat Ysabel, salamat.”
Ang Wall Philippines is based on America’s The Wall, na the contestants answer trivia questions to won cash. Napapanood ito every Sunday, 3:35 p.m. sa GMA 7.
Meanwhile, kuwento ni Ysabel na nagpasahan daw ang mom niya, Michelle Ortega at stepdad niya, PDEA deputy director general, Greg Pimentel, nang mapanood ang pilot episode ng What We Could Be kaya nagpasalamat si Ysabel sa kanilang pagiging supportive sa launch niya, ng unang pinagbibidahan niya, bilang isang nurse sa story, kasama rin nila sa cast si Yasser Mata at si Ms. Celeste Legaspi.
- Latest